PAMAMAHAGI NG EMI CARD AT E WALLET INILUNSAD SA PASAY

INILUNSAD ng lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Pasay sa pangunguna ni Mayor Emi Calixto-Rubiano ang 1st batch ng pamamahagi ng Electronic Mamamayan Identification Card o Emi card sa mahigit 1,700 na mga scholarship na mag-aaral sa kolehiyo ng lungsod.

Sa pamamagitan nito, hindi na kailangan pumila ang mga mag aaral para sa kanilang scholarship kada semester na nagkakahalaga ng P4,000 dahil gagawin nang cash-less ang pamimigay ng educational allowances sa mga estudyante.

Bukod sa EMI Card, mamimigay din si Pasay City Mayor Imelda “Emi” Calixto-Rubiano ng libreng Electronic Wallet Card o “E-Wallet Card” mula sa GCash sa tulong ni Cleo Celeste Santos ang VP for operation ng G cash.

Ayon kay Mayor Emi sa pamamagitan ng proyekto ng Pasay City Barangay Bureau (PCBB), matututo rin umanong mag-ipon ang mga estudyante kung mahihikayat silang maging masinop sa pera at magtabi ng ipon para sa hinaharap.

Iginiit namin ni Vice Mayor Mark Anthony Calixto na suportado ng Konseho ang anumang proyekto ng pamahalaang lungsod tulad nitong pamamahagi ng scholarship program sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya.

Pinayuhan naman ni Congressman Tony Calixto ang mga mag-aaral na samantalahin ang proyekto na ito at mag-aral nang mabuti upang matupad ang kanilang mga pangarap.

(DANNY BACOLOD)

182

Related posts

Leave a Comment