Pangako ng Chinese General Hospital HAZARD PAY MAKUKUHA NA

NANGAKO ang pamunuan ng Chinese General Hospital (CGH) na ipapamahagi na sa kanilang mga healthcare workers (HCWs) ang special risk allowance (SRA) ngayong linggo makaraang matanggap na ang pondo mula sa Department of Health (DOH).

Ayon kay CGH medical director Dr. Samuel Ang, nasa P21 milyon ang natanggap nilang pondo mula sa DOH nito lamang nakaraang Biyernes.

“We would like to convey to the public that CGHMC management and its roster of health workers remain committed in its goals in maintaining quality service to its patients and a safe, healthy environment to its employees,” saad ni Ang, kasunod ng balita hinggil sa napipintong pakikilahok ng kanilang ng kawani sa mass walkout.

Gayunpaman, mariing itinanggi ng CGH Union ang nasabing balita dahil hindi din naman sila kasapi ng Alliance of Health Workers na kumaladkad sa kanilang hanay sa talaan ng mga lalahok sa mass walkout.

Anila, nananatiling maayos ang kanilang relasyon sa pamunuan ng pagamutang kanilang pinagtatrabahuhan. (RENE CRISOSTOMO)

299

Related posts

Leave a Comment