DEDMA lang ang byuti ni Dabarkads Paolo Ballesteros sa kumakalat na isyung sanib-pwersa ng mga katapat na noontime shows ng ‘Eat Bulaga’ na ‘Its Showtime’ at ng ‘Lunch Out Loud o LOL’ ng A2Z at TV5 ngayong buwan ng Hulyo. Mas nagpo-focus pa ang ganda ni Paolo sa parating na Binibining Pilipinas 2022 na gaganapin ang final night ngayon ding Hulyo. Isa kasi si Paolo sa fashion designer na gumawa ng pambatong national costume ng isang kandidata na may temang ‘tikbalang’.
Sa panayam kay Paolo sa kanyang online blogsite ay kinunan ang host/actor ng kanyang pananaw sa napipintong pagsasama bilang isang show ng dalawang katapat na show ng EB.
“Oww talaga? Paanong magsanib-pwersa? Hindi ko alam na may ganun na ganap,” ang paunang say ni Paolo.
Inamin din ng komedyante na hindi siya nanonood ng katapat nilang shows at wala siyang ideya kung ano ang mga ganap sa naturang shows. Dahil first time narinig ang isyu natanong si Paolo sa kanyang personal na reaksyon.
“E, di lalo pang sasaya ang tanghalian nating mga Pinoy? Ang alam ko lang, same na noontime shows sila. But I can only speak for Eat Bulaga! not only for fun and saya, but also more of public service, awareness at nagbibigay ng pag-asa sa mga Pinoy na talagang nangangailangan,” tugon pa ng komedyante.
408
