PAPEL NG MERALCO SA ELECTRIFICATION PINURI NI MARCOS

KINILALA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mahalagang papel ng Manila Electric Company (Meralco) sa pagsusulong ng renewable energy projects gaya ng Terra Solar Project at sa pagpapalawak ng electrification sa mga komunidad.

Sa briefing sa Malacañang, sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na para sa Pangulo, hindi dapat mapag-iwanan sa dilim ang bawat pamilyang Pilipino.

Kamakailan, sa Collective Response to Presidential Commitments in the Energy Sector, binigyang-diin ng Pangulo ang pagpapalawak ng koneksiyon, pagpapalakas ng kapasidad, at pagpapababa ng presyo ng kuryente lalo na para sa mga nasa liblib na lugar.

Kabilang sa hakbang ang pagpapadali ng Lifeline Rate Subsidy Program sa pamamagitan ng awtomatikong pagrehistro ng mga benepisyaryo ng 4Ps.

Sa ilalim ng bagong lifeline consumption threshold, libre na ang kuryente ng 4Ps beneficiaries na may konsumo na 50 kilowatt-hour pababa.

Pinabilis din ang proseso ng Net Metering Program para sa renewable energy gaya ng solar panels, katuwang ang Department of Energy at Energy Regulatory Commission, upang gawing mas malinaw at mas mabilis ang aplikasyon at interconnection.

(CHRISTIAN DALE)

4

Related posts

Leave a Comment