MULING haharap ang mga motorista sa panibagong oil price hike ngayong Martes.
Sa magkakahiwalay na abiso ng Shell, Clean Fuel, Petro Gazz, Uni Oil, Sea Oil at PTT, epektibo alas-6 ng umaga, magtataas ng presyo ng:
Gasolina – P1.20 kada litro
Diesel – P0.60 kada litro
Kerosene – P0.60 kada litro
Ayon sa Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy, ito na ang ika-walong sunod na pagtaas sa diesel at kerosene at ika-anim naman sa gasolina.
Nauna nang nagbabala ang DOE na posibleng may panibagong price adjustment dahil sa banta ng pagkaantala ng suplay sa Strait of Hormuz at sa kawalan ng katiyakan sa usapin ng Iran nuclear talks.
Bunsod ito ng paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
(CHAI JULIAN)
3
