UMAPELA si Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor sa Department of Science and Technology (DOST) at Department of Health (DOH) na huwag isnabin ang World Mosquito Program (WMP).
Ayon kay Defensor, maglulunsad ng proyekto ang WMP sa pamamagitan ng pag-deloy ng Wolbachia bacteria na malaki ang potensyal laban sa dengue virus na dala ng mga lamok.
“Our sense is, the initiative holds great promise in helping to reduce the burden of dengue, which afflicts a large number of Filipino children every year,” ayon sa mambabatas.
Nabatid na 11 dengue prone-countries na umano ang sumali sa nasabing proyekto na kinabibilangan ng Indonesia, Vietnam, Sri Lanka, Australia, Fiji, Kiribati, New Caledonia, Vanuatu, Brazil, Colombia at Mexico.
“We are baffled that up to now, the Philippines has not had any participation whatsoever in the project,” dagdag ni Defensor, vice chairperson of the House Committee on Welfare of Children.
Dahil dito, dapat trabuhin umano ng DOST at DOH na maisama ang bansa sa proyektong ito upang maproteksyunan ang mamamayang Filipino sa dengue lalo na ang mga bata.
Sa ngayon ay bumababa na ang bilang ng mga biktima ng dengue sa Pilipinas dahil mula Enero hanggang Abril ngayong taon, 21,478 dengue cases na lamang umano ang naitala sa bansa at 80 ang namatay.
Mas mababa ito kumpara sa 49,135 cases at 179 na namatay na nairekord sa kaparehong panahon noong 2020 at 437,563 cases at 1,689 deaths sa buong taon noong 2019.
Ngunit hindi umano dapat magpakampante ang Pilipinas at kailangang sumali aniya ito sa nasabing proyekto dahil napag-alamang bumababa sa 77% ang dengue infection sa tatlong taong pag-aaral sa Wolbachia bacteria na ginagamit para pahinain ang dengue virus.
“The weakening of the dengue virus in the mosquitoes diminished their ability to transmit the disease when they bite humans, according to the study, which was conducted by the WMP at Monash University in Australia and Gadjah Mada University in Indonesia,” ani Defensor. (BERNARD TAGUINOD)
184
