Parang East finals na! CELTICS LUSOT SA NETS SA GAME 1

NAITAKAS ng buzzer-beating layup ni Jayson Tatum ang dramatic 115-114 win ng Boston Celtics kontra Brooklyn Nets, sa unang laro ng kanilang NBA Eastern Conference playoff series, Lunes (Manila time).

Nagtala si Tatum ng 31 points para sa Celtics, pinigil ang fourth-quarter comeback bid ng Nets para kunin ang 1-0 lead sa best-of-seven series.

Nagdagdag pa si Tatum ng eight assists at two blocks. May 23 puntos naman si Jaylen Brown at sina Al Horford at Marcus Smart, tig-20 points para sa Boston, inagaw ang 95-86 lead papasok sa fourth quarter, pero naghabol pa 114-111, wala nang isang minuto sa laro.

Tumanggap si former Celtics Kyrie Irving ng pambo-boo mula sa Boston fans na galit pa rin sa pag-alis niya sa koponan para lumipat sa Brooklyn. Umiskor siya ng 39 points. Habang si Kevin Durant, 23 points. Silang dalawa lang ang may double figures sa Nets starters.

Inaasahang ipatatawag si Irving ng NBA officials, matapos ang ‘middle-finger salute’ na ginawa niya sa fans sa third quarter.

Mula sa long three-pointer ni Irving laban kay Smart, nakuha ng Brooklyn ang 114-111 lead sa huling 1:04.

Ngunit, hinigpitan ng ­Celtics ang depensa at nagawang dumikit ng isang puntos mula sa driving layup ni Brown. Kasunod ng mintis ni Durant sa three-point range, pinasok ni Tatum, mula sa assist ni Smart, ang depensa ng Nets para sa game-winner.

Ang first half ay tinampukan ng 17 lead changes, nagtapos ang score sa 61-all, pero ang Celtics, nanahimik mula sa kanilang huling regular-season game, habang nakipagpukpukan ang Nets para sa play-in tournament, ay nailista ang 39-24 sa third quarter.

“Our aggressiveness was great,” pahayag ni Celtics coach Ime Udoka hinggil sa third-quarter performance ng kanyang tropa.

“It was different from the first half. I felt like, offensively, we got going as well, knocked a little bit of the rust off in the first half.”

BUCKS TINUMBA BULLS

KUMAMADA si Giannis Antetokounmpo ng double-double output, 27 points at 16 rebounds, nang bumalikwas ang ­defending champion Milwaukee Bucks matapos sayangin ang 16-point lead para talunin ang Chicago Bulls, 93-86 sa Game One ng kanilang first-round playoff series sa Milwaukee.

Nagsalaksak si Jrue Holiday ng go-ahead 3-pointer, 5:03 pa sa oras bilang bahagi ng 8-0 run na nagbigay sa Bucks ng 85-78 lead.

Nahabol ng Bulls at naibaba sa one point, pero bigong maagaw ang kalamangan, nang magmintis si Zach LaVine sa panabla sanang 3-pointer mula sa 30-feet sa huling 29 seconds.

Tinalo ng Bucks ang Bulls sa 17 ng kabuuang 18 games, kabilang ang limang matchups ngayong season. Ang tanging panalo ng Bulls sa kasagsagan ng 2020-21 regular-season finale nang ipahinga ng Bucks ang lahat ng starters nito.

Ginamit ng Milwaukee ang nasabing pattern, nang pigilan ang Chicago sa lowest single-game point total naitala ng koponang nakalaban ng Bucks sa season. Gayunman, tuloy pa rin ang habit ng Bucks na nangangapa sa opening games ng series.

Naibulsa ng Bucks ang last year’s NBA title matapos matalo sa Game 1 sa tatlo ng apat nilang series. Talo sila sa opening game sa lima ng kanilang last six playoff series bago ang laro nitong Linggo, maliban nang makahirit si Khris Middleton ng 3-pointer sa final second ng overtime laban sa Miami Heat noong nakaraang season.

Nag-ambag si Brook Lopez ng 18 points, may 15 puntos si Holiday, 11 kay Middleton at si Bobby Portis, 11 points at 12 rebounds.

Nag double-double rin si Nikola Vucevic, 24 points at 17 rebounds para sa Bulls, unang playoff appearance sa loob ng limang taon.

Nagdagdag si LaVine ng 18 points at 10 rebounds, habang si DeMar DeRozan, 18 points, eight rebounds at six assists.

Matapos kunin ng Bucks ang maagang 32-16 lead at tila maagang tatapusin ang laban, kumawala ang Bulls, umiskor ng 13 straight points sa third quarter. Iniskor ni Coby White ang ­huling limang puntos, kabilang ang 3-pointer na nagbigay sa Bulls ng 67-64 lead, 3:11 sa third.

Nag-layup pa si White at ginawang 69-64 count, pero, isinara ng Bucks ang third via 10-2 spurt para bawiin ang kalamangan.

Muling umabante ang Chicago mula sa basket ni Vucevic, 78-77, 5:56 pa. Nabawi ng Bucks ang lead buhat sa 3-pointer ni Holiday, ikalawang basket lang
ng Milwaukee sa fourth.

Ginawa itong 83-78 count ni Lopez sa nalalabing 4:34 at tinapos ni Holiday ang 8-0 run nang isang jumper sa huling 3:58.

Nakadikit ang Bulls, 87-86 mula sa layup ni Alex Caruso, 1:36 na lang, ngunit hindi na muli pang nakaiskor ang Chicago.

Ang Game Two ay muling gagawin sa Milwaukee sa Miyerkules.

HEAT TINUSTA HAWKS

HINDI pinaporma ng Miami Heat ang Atlanta Hawks, 115-91 sa kanilang playoff series opener.

Iniskor ni Miami reserve Duncan Robinson ang career playoff high 27 points, mula sa 9-for-10 shots, 8-of-9 sa 3-point range, habang nagdagdag si Jimmy Butler ng 21 points at si P.J. Tucker, 16 points para sa Heat, tungo sa 1-0 lead ng best-of-seven first round series.

“We saw the confident Duncan,” wika ni Butler. “He doesn’t care what anybody thinks. He saw some threes and he made them and that’s what we need from him.”

Nangamote naman ang star guard ng Hawks na si Trae Young sa buong laro bunga ng depensa ng Miami sa kanya.

Si Young ay 1-of-12 sa floor, 0-of-7 sa 3-point range at may season-low eight points.

“Just make it physical on him, challenge every shot, make him pass,” dagdag ni Butler sa naging strategy ng Heat para pigilan si Young. “He can score in bunches and we don’t want him to do that.”

Binuksan ng Atlanta ang series opener na may ‘worst-­shooting quarter’ at ‘worst-­shooting’ half sa season. Bagama’t sinimulan nila ng 3-of-17 shooting sa floor, limang puntos lang ang abante ng Heat sa first, 23-17.

Nag-init ang Miami sa second quarter at kinuha ang 59-40 halftime lead.

Si Young ay 1-of-9 sa first half sa 11-for-38 ng Hawks.

Bumalik sa line-up ng Hawks si forward John Collins, lumiban ng 18 games bunga ng foot at finger sprains, pero wala naman si star big man Clint Capela dahil sa right knee injury.

Samantala, nagwagi rin ang Phoenix Suns, 110-99 kontra New Orleans Pelicans sa Game One ng kanilang play-off series.

246

Related posts

Leave a Comment