Parang glue na nakadikit kay Duterte BONG GO NANGANGAMPANYA NA?

INAMIN ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go na sumama siya sa aerial viewing ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Cagayan na halos lumubog makaraang rumagasa ang Bagyong Ulysses.

Ayon sa press statement ni Go, ang bagitong senador ay kasama ni Duterte nitong Nobyembre 15 sa ilang bayan ng Cagayan tulad ng Enrile, Iguig at Solana.

Kasama pa rin si Go ni Duterte nang magtungo ang pangulo sa bayan ng Minalabac at Bula sa Camarines Sur bandang hapon noong Nobyembre 15.

Ang pagsama at pagdikit ni Go nang husto kay Duterte ay hindi lang nitong nasalanta nang husto ng bagyo ang Cagayan kundi maging sa pagtungo ng pangulo sa Bicol at Marikina.

Kahit sa mga pulong ni Duterte sa mga opisyal ng kanyang gabinete ay dumadalo ang senador.

Dumalo at nakasingit din si Go nang kausapin ni Duterte nang dalawang beses sina Representatives Alan Peter Cayetano at Lord Allan Jay Velasco hinggil sa agawan ng dalawa sa pagiging speaker ng Kamara de Representantes.

Matapos pakawalan ng oposisyon ang “#NasaanAngPangulo” sa kasagsagan ng mga bagyong Ulysses at “Rolly” ay biglang nagpakita si Duterte sa mga lalawigang tinamaan ng bagyo kung saan kasama si Go.

Si Go lang ang ganitong senador.

Ngunit walang binanggit si Go sa kanyang press statement – kahit dati pa – na plano niyang kumandidato sa pagkapangulo sa halalang 2022.

Binanggit ni Go sa press statement nitong Nobyembre 16 na “Patuloy ang rescue and response operations ng military and uniformed personnel hanggang maisalba ang lahat ng nangangailangan ng saklolo. Handa rin ang mga ahensya na tulungan ang mga nasalanta at patuloy ang pagbibigay ng mga pagkain, tubig, gamot at iba pang relief assistance at pati na rin financial aid. Sinisikap din na maibalik kaagad ang supply ng kuryente, komunikasyon at tubig sa mga apektadong lugar”.

Inihayag din ng mambabatas sa mga biktima ng mga bagyo na “Asahan po ninyo na gagawin namin ang lahat ng aming makakaya upang makabangon kayo muli mula sa pagsubok na ito. Hindi kayo pababayaan ng gobyerno ninyo na palaging nagmamalasakit sa inyo. Magbayanihan po tayo”.

Inihayag din ng mambabatas ang kahalagahan ng aksiyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) tuwing mayroong kalamidad at pagkakaroon ng Recovery and Rehabilitation Task Force upang mabilis ang tulong ng pamahalaan sa mga biktima ng magkakasunod na mga bagyo.

Inulit din niya ang pagkakaroon ng Department of Disaster Resilience (DDR) na naglalayong pagkaisahin sa iisang kumpas ng kagawaran ang kabuuang desisyon at aksyon ng pamahalaan hinggil sa mga sakuna at kalamidad.

Ngunit walang sinabi si Go hinggil sa pinaimbestigahan ni Duterte na talamak na illegal logging at quarrying sa Cagayan.

Ilang ulit nang napabalita sa media na tatakbo sa pagkapangulo si Go sa 2022.

Maging ang anak ni Duterte na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ay itnutulak din ng ilang opisyal sa administrasyong Duterte na tumakbong pangulo sa halalang 2022.

Mayroon namang inilalabas sa social media na itinatambal si Carpio na tumakbong bise-presidente ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. o BBM. (NELSON S. BADILLA)

123

Related posts

Leave a Comment