GINAGALANG ng Malakanyang ang desisyon ng Estados Unidos na patawan ng parusa ang ilang Chinese companies at kanilang opisyal na umano’y tumulong sa China na magtayo ng artificial islands sa pinagtatalunang South China Sea.
Ang parusa ay kinabibilangan ng visa restrictions at inclusion ng 24 Chinese state-owned firms sa “Entity List” ng US Commerce Department na pinapayagan na i-block ang page-export ng US goods at materyales sa mga ito.
ayon kay presidential spokesperson Harry Roque.
Inangkin ng China ang malaking bahagi ng South China Sea bilang teritoryo nito subalit para sa Permanent Court of Arbitration sa The Hague noong Hulyo 2016 ay invalidated ito matapos magsampa ng kaso ang Pilipinas taong 2013.
Tinukoy ng Pilipinas ang bahagi ng South China Sea bilang West Philippine Sea.
Hindi naman kinilala ng Beijing ang ruling ng Permanent Court of Arbitration na pansamantalang isinantabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte para maisulong ang ‘warmer trade and economic
relations’ sa Asian powerhouse.
Bukod sa Pilipinas at China, ang iba pang claimants ng West Philippine Sea ay ang Vietnam, Taiwan, Brunei at Malaysia.
Bagama’t hindi naman kasama ang US sa umaangkin sa WPS ay idineklara nito na bahagi ito ng national interest para masiguro ang freedom of navigation at ang tinatawag na overflight sa strategic waterway. (CHRISTIAN DALE)
