PATAPOS NA ANG PANDEMYA

NABABANAAG na ng World Health ­Organization na magtatapos na ang ­pandemya sa COVID-19.

Naitala ang pinakamalaking pagbaba ng mga kaso kamakailan mula nang sumulpot ang pandemya noong Marso 2020.

Ngunit may babala si Chief Tedros ­Adhanom Ghebreyesus na igihan ang ­pag-iingat at mga hakbang habang papalapit na ang pagtatapos ng pandemya.

Nanawagan ang WHO sa mga bansa na agapan ang pagbagsak ng mga kaso para tuluyan nang mawala ito. Kung magpapabaya ay posibleng muling lumaki ang mga kaso at ang sumulpot ang ibang variants.

Hindi mauunsyami ang magandang kalalabasan ng estado ng pandemya kung patuloy at daragdagan ang pagbabakuna at pagbibigay ng booster upang mapalakas pa ang laban ng mga tao sa pandemya. Sundin at isagawa ang minimum na health protocols.

Ano ang kalalabasan ng prediksyon na malapit nang matapos ang pandemya sa Pilipinas na ginawa nang boluntaryo ang pagsusuot ng face mask?

Hindi pa rin detalyado kung ano ang hindi matao, hindi masikip at maayos na daloy ng hangin na basehan kung kailan at saan dapat alisin ang mask.

Nasa tao na ang interpretasyon, ngunit mabuti na ang nakasisiguro kaya makabubuti na magsuot ng mask, nasa loob man o nasa labas.

Mag-ingat, magbantay hindi lang para sa sarili kundi para sa iba pang mga tao na ­nakasasalamuha.

158

Related posts

Leave a Comment