PBBM, PRESENT SA SORTIES NG ALYANSA SENATORIAL SLATE

INILATAG ni Alyansa ng Bagong Pilipinas campaign manager at spokesperson ang plano nilang kampanya para sa administration senatorial bets.

Sinabi ni Tiangco na mayroon silang 21 sorties sa loob ng tatlong buwang kampanya na dadaluhan mismo ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Ipinaliwanag ng tagapagsalita ng Alyansa na upang hindi mahirapan ang punong ehekutibo sa mga aktibidad, inalam nila ang events ng Pangulo upang doon na rin ganapin ang mga campaign rally.

Sa unang linggo ng kampanya, magsasagawa ng kickoff rally ang Alyansa sa Laoag, Ilocos Norte; sa Iloilo; sa Davao at sa Pasay City.

Nakikiusap naman si Tiangco sa 12 nilang kandidato na dumalo sa lahat ng sorties.

Kinumpirma rin ni Tiangco na kahit mistulang malamig na si Senador Imee Marcos sa pagsali sa Alyansa ay hindi nila ito papalitan at mananatili siya sa slate.

“Definitely no plans to replace Sen. Imee. Definitely. That’s 100 percent. She’s part of the Alyansa candidates,” saad ni Tiangco.

Bagama’t aminado si Tiangco na hindi nila matitiyak ang 12-0 na panalo sa senatorial elections ay sisikapit nilang gawin ang lahat upang mapainalo ang kanilang mga kandidato.

Ito ay sa pamamagitan ng pagkakaloob sa kanila ng platform upang mailatag ang kanilang mga mensahe.(Dang Samson-Garcia)

7

Related posts

Leave a Comment