PDU30 SUSUNOD SA ‘NO TOUCH POLICY’

duterte33

MALABONG pumalag si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ipinatupad na  ‘no touch policy’ ng Presidential Security Group (PSG).

Sa kautusan ay sinabi ni PSG Commander Col. Jesus Durante III na ang sinomang personalidad, dignitaries o mga politiko pati na ang mga PSG personnel ay sasailalim sa matinding screening at testing sa anomang uri ng sakit na may kaugnayan sa COVID-19.

Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, palaging sinusunod ng Pangulo ang payo ng PSG kaya’t hindi kokontrahin ng Chief Executive ang anomang payo sa kanya ng PSG para na rin sa kanyang kalusugan.

Ayon kay Durante, mahigpit ding babantayan ng PSG ang first family.

Patuloy rin aniyang ipatutupad ang heath protocols at preventive measures sa buong Malacañang Complex kung saan sumasailalim sa thermal scanner ang sinomang pumapasok sa palasyo.

Sa kabilang dako, wala namang ideya si Sec. Panelo kung tuloy ang byahe ni Pangulong Duterte patungong Boracay sa darating na Huwebes, Marso 12.

KONTROLADO
Sa gitna ng lumalawak na epekto ng COVID-19 sa bansa, siniguro ng gobyerno na “on top of the situation” ito.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na kontrolado ng pamahalaan ang sitwasyon at patuloy ang pagsisikap nitong matugunan ang mga bagong kumpirmadong kaso ng 2019 Coronavirus Disease.

Kaya ang panawagan ni Sec. Andanar sa sambayanang Filipino ay manatili lamang na kalmado pero maging mapagmatyag at ibigay ang buong kooperasyon sa ginagawang mga hakbang ng pamahalaan. CHRISTIAN DALE

135

Related posts

Leave a Comment