PEACEFUL RESOLUTION SA WPS HILING NG BIZ GROUPS

NANAWAGAN ang ilang grupo ng mga negosyanteng Filipino-Chinese sa gobyerno ng Pilipinas at maging sa China, para pahupain ang tumitinding tensyon sa West Philippine Sea, sa pamamagitan ng dayalogo sa neutral at diplomatikong paraan.

Ginawa ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce Industry, Inc. (FFCCCII) kasama ang 32 iba pang Filipino-Chinese business at civic federations, ang kanilang sama-samang panawagan sa gitna ng panibagong mga insidente sa pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea.

Sinabi rin ng grupo sa pangunguna ni Dr, Cecilio Pedro, FFCCCII president, na suportado nila ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa diplomasya na pangangasiwa sa usapin ng dalawang bansa gayundin ang panawagan ni PBBM para sa mapayapang pagresolba ng alitan.

Naniniwala rin ang grupo na sa pamamagitan lamang ng constructive dialogue makahahanap ang dalawang bansa ng parehong ground na maaaring magresulta sa maayos na resolusyon ng pagkakaiba nang walang sisihan at pagkondena.

Ang buong samahan ng mga Filipino-Chinese ay naniniwala na sa isang mapayapa at mapang-unawang pag-uusap, maaari nating mabigyang lunas ang namumuong alitan ng Pilipinas and China.

“We firmly believe that only through constructive dialogue, devoid of reproach and condemnation, are we to find common ground that will lead to an amicable resolution of our differences,” ayon sa nilagdaang pahayag ng 33 business groups mula sa buong Pilipinas

“We pray that God guards our hearts, and allows His peace to reside within us all, as He navigates us through these rough waters we are experiencing. Ang aming dasal para sa buong Pilipinas at bayan ng China, ay patuloy na katahimikan, kasaganahan, at pagkakaisa. Katulad ng mga salita ng Diyos sa 2 Tesalonica 3:16, “Nawa’y ang Panginoon na pinagmumulan ng kapayapaan ay Siya ring magbigay sa inyo ng kapayapaan sa lahat ng pagkakataon, maging anoman ang kalagayan ninyo. At patnubayan nawa kayong lahat ng Panginoon,” panalangin ng grupo. (JESSE KABEL RUIZ)

150

Related posts

Leave a Comment