PETISYON KONTRA GUANZON DIRINGGIN NG SC SA MARTES

MULING itinakda ng Supreme Court ang oral argument kaugnay sa petisyon ng Duterte party-list group na huwag payagan makaupo sa Kongreso si dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon bilang kinatawan ng isang party-list.

Sa abiso ng Korte Suprema, isasagawa ang pangalawang oral argument sa bukas, November 28, alas-2 ng hapon.

Magugunitang kinuwestiyon ng Duty to Energize the Republic Through the Enlightenment of the Youth o Duterte Youth party-list ang Comelec kung bakit pinayagan si Guanzon bilang substitute nominee para sa (P3PWD) Komunidad ng Pamilya, Pasyente at Persons with Disabilities.

Iginiit nito na pigilan ang proklamasyon ng Comelec kay Guanzon dahil sa pagsuway sa proseso ng party-list system.

(JULIET PACOT)

257

Related posts

Leave a Comment