PH ARMY CHIEF: REVGOV ‘DI PAPATULAN NG AFP

HINDI papatulan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isinusulong na revolutionary government ng pro-Duterte group upang manatili ang kasalukuyang chief executive sa puwestodahil “walang puwang” ang  ganitong bagay sa military, ayon sa hepe ng Philippine Army (PA).

Sa pagtatanong ni Senador Imee Marcos, sinabi ni Philippine Army Chief of Staff Major General Rowen Tolentino na walang lumapit sa kanya o ibang opisyal ng military hinggil sa revolutionary
government o RevGov.

“I would simply like to ask you, has anyone approached you or any other military officer that you know regarding RevGov or the so-called Revolutionary Government?,” tanong ni Marcos.

“So far, ma’m, wala pa po. In my conversation with other officers from the Philippine Army, ma’m, so far they haven’t spoken to us. We just actually heard that in the news,” aniya kay Marcos.

Sinabi ni Tolentino na tulad ng sinabi ni Southern Luzon Command chief Maj. Gen. Antonio Parlade Jr., sinusunod ng AFP ang “duly constituted authorities” at walang puwang ang RevGov sa militar.

Pinabulaanan din ni Tolentino ang hinala ni Marcos na may nire-recruit sa Southcom o kung sino- sino pa.

Iginiit din ng heneral, tulad ng pag-aanalisa ni Marcos na malinaw na paglabag ang revolutionary government sa 1987 Constitution na puwedeng hatulan sa kasong sedisyon.

Ayon pa kay Marcos: “I just want to put on record that the AFP is firmly against the RevGov and that to date there is no such recruitment ongoing despite the media attention.” (ESTONG REYES)

104

Related posts

Leave a Comment