PH INTERNET SPEED UMANGAT SA GLOBAL RANKINGS

NAGPAKITA ng pambihirang pag-angat ang Philippines’ global rankings sa internet speed base sa May 2021 report ng Ookla Speedtest Global Index.

Para sa fixed broadband, ang average download speed na 58.73Mbps ng Pilipinas ay kumakatawan ng 15-notch monthly increase, habang ang bilis nitong 31.97Mbps sa mobile ay simbolo ng 7-notch monthly increase.

Ang monthly improvement ng bansa sa speeds ay pangatlo sa pinakamagaling sa mundo sa parehong mga kategorya.

Sa ngayon, ang bilis ng Philippine fixed broadband ay pang-65 sa 180 mga bansa, habang nakapuwesto sa pang-77 sa 137 mga bansa sa mobile. Noong Nobyembre 2020, ang average download speeds ng bansa sa fixed broadband ay may ranggong 103rd at 110th para sa mobile sa buong mundo.

Ang pangunahing dahilan ng makabuluhang pag-unlad sa ranking sa nakalipas na mga buwan ay ang buong suporta ng Duterte government sa pagpapabilis sa pagbibigay ng LGU permits na kailangan para sa fast-tracking ng pagpapaganda ng telco infrastructure.

Sa 50 mga bansa sa Asia, ang internet speed ng bansa ngayon ay nasa ika-17 na puwesto para sa fixed broadband at 23rd sa mobile. Sa Asia-Pacific, ang Pilipinas ay pang-14 para sa fixed broadband at 12th sa mobile sa 46 mga bansa.
Sa ASEAN, ang bansa ay 5th sa parehong fixed broadband at mobile sa 10 mga bansa.

Ang pinakabagong fixed broadband download speed ay kumakatawan ng pag-angat ng 642.50% simula nang mag-umpisa ang Duterte administration noong Hulyo 2016. Samantala, ang bagong mobile speed ay umangat ng 329.70% sa nasabi ring panahon.

Ang bagong fast-tracking ng telco infrastructure roll-out ay inaasahang magpapatuloy dahil marami ng LGUs ang sumusunod sa Joint Memorandum Circular (JMC) No. 01 s. 2020 na nilagdaan ng Department of Information and Communications Technology, Department of Interior and Local Government, Anti-Red Tape Authority, at iba pang mga ahensiya ng pamahalaan.

Buong lugod ding tinanggap ng National Telecommunications Commission, PLDT, Globe, Converge and DITO ang inisyatibo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na payagan ang telecommunication companies na gamitin ang bahagi ng Right of Way (ROW) ng pamahalaan bilang parte ng isinusulong na pagtiyak sa koneksyon ng internet sa buong bansa.

Ang bagong direktiba ng DPWH ay makatutulong sa pagpapabilis ng implementasyon ng telco infrastructure projects lalo na sa national roads.

Sa pagpasok ng ikatlong major telco, ang DITO Telecommunity, na nakalatag na sa 100 siyudad sa buong bansa, ang mga datihang Globe at Smart ay nagdagdag ng kanilang capital expenditures ngayon taon.

Nakatakdang gumugol ang Globe ng P70 billion, habang ang Smart ay P92 billion ngayon taon.

Ang parehong puhunan ay pinakamataas ng bawat telco sa nakaraang anim na taon.

Ang Fiber internet company, Converge, ay inaasahan ding magdaragdag ng capital expenditure mula P19 billion noong 2020 hanggang P20 billion ngayong taon dahil agresibo itong makapagbigay ng tunay na end-to-end fiber internet connection sa merkado nito.

292

Related posts

Leave a Comment