PH TEAM ALL-OUT SA TRAINING CAMP

LAGARE sa ensayo ang Philippine Team para sa nalalapit na 2021 AVC Asian Women’s Club ­Volleyball Championships sa Nakhon Ratchasima, Thailand.

Base sa latest update ng Volleyball Philippines via Instagram, walang humpay sa ­training sa Batangas ang Team ­Rebisco at Team Choco Mucho na irerepresenta ang bansa sa AVC Club sa Oktubre 1-7.

Caption sa nasabing post kung saan makikita ang puspusang training ng dalawang koponan: “Sunday morning ball ain’t falling.”

Sasabak ang Team Choco Mucho sa Pool A kontra Nakhon ­Ratchasima Qmimc VC ng host country Thailand at ­Zhetyssu ng Kazakhstan.

Sasagupa naman ang Team Rebisco sa Pool B kontra Supreme Chonburi ng Thailand, Altay ng Kazakhstan at Saipa ng Iran. (ANN ENCARNACION)

117

Related posts

Leave a Comment