PHILIPPINE ARMY OFFICIAL PATAY SA COVID-19

ISA sa top military commanders ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus disease.

Kinumpirma ni Col. Ramon Zagala, tagapagsalita ng AFP na pumanaw na sa nabanggit na virus si 1st Infantry Division Assistant Commander Brig. Gen. Bagnus Gaerlan Jr.

Binawian ng buhay si Gaerlan nitong Lunes ng umaga sa Pagadian City Hospital.

Wala pang ibang detalye na inilalabas ang AFP hinggil sa pagpanaw ng nasabing opisyal.

Gayunman, nagpaabot sila ng pakikiramay sa pamilya ni Gaerlan.

Bago naging assistant commander ng 1st ID, si Gaerlan ay hinawakan muna ang 102nd Infantry Brigade bilang commander. (JG TUMBADO)

107

Related posts

Leave a Comment