BINALEWALA ni Monica Torres ang pananakit ng tiyan nang pangunahan ang women’s duathlon event sa Subic Bay Boardwalk sa Zambales.
Si Torres ay nagsumite ng oras na 02:08:44 para kolektahin ang gold medal.
Pumangalawa si Pareeya Sonsem ng Thailand (2:11:18) at pangatlo si Thi Phuong Trinh Nguyen ng Vietnam (2:11:18).
Sa men’s division, nakuntento lang sa silver medal ang pambato ng Pilipinas na si Joey delos Reyes nang magsumite ng oras na 1:53:04, mas mabagal ng 13 segundo sa nangunang si Johan Jauhari ng Indonesia.
(NI VTRomano/PHOTO BY MJ ROMERO)
