PILOT GRANULAR LOCKDOWN SA NCR ILALARGA SA SEPT. 8

IKAKASA sa Miyerkoles, Setyembre 8 ang pilot testing ng granular lockdown sa Metro Manila.

Ito ay dahil sentro ng ekonomiya ng Pilipinas ang kalakhang Maynila.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, ang mga magiging rekomendasyon pagkatapos ng pilot project ay isusumite kay Pangulong Rodrigo Duterte upang maaprubahan.

Nauna nang itinulak ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez ang granular lockdown matapos ang ilang linggong community quarantine para mabuksan muli ang mga negosyo.

Nasa ilalim pa rin ng modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila hanggang sa September 7 sa gitna ng patuloy na pagtatala ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa. (CHRISTIAN DALE)

390

Related posts

Leave a Comment