Pinaiimbestigahan ng DA sa NBI NALULUGING MAGSASAKA SA NE NAGSU-SUICIDE NA?

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

HUMANTONG na umano sa pagpapatiwakal ang depresyon ng ilang magsasaka na dumaranas ng matinding pagkalugi ngayon sa gitna ng bagsak presyong palay.

Matapos kumalat sa social media ang mga ganitong usapan ay agad nagpasaklolo sa National Bureau of Investigation (NBI) ang Department of Agriculture (DA) upang matukoy kung ito’y may katotohanan.

Nais ng DA na imbestigahan ng NBI ang mga balitang nasa tatlong magsasaka umano mula sa Nueva Ecija ang nagpakamatay dahil sa pagkalugi sa kanilang mga pananim na gulay.

Bagaman may insidente ng pagkamatay ng mga magsasaka, hindi umano ito dulot ng kanilang pagkalugi, base na rin sa imbestigasyon ng DA at salaysay ng pamilya ng mga nasawi.

Sa liham na isinumite ng DA sa NBI nitong Lunes, hiniling ni Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., ang masusing imbestigasyon hinggil sa naturang insidente upang mabatid ng publiko ang buong katotohanan sa likod ng mga alegasyon.

Kasabay nito ay hinimok ni Sec. Laurel ang publiko na hayaan na muna ang mga pamilya na magdalamhati nang tahimik tungkol sa nasabing pangyayari.

Magbibigay rin aniya sila ng anomang tulong na kinakailangan sa mga pamilyang naulila.

43

Related posts

Leave a Comment