PINAKAMATANDANG FIGHTING SHIP NG PN, NAGRETIRO NA

PORMAL nang nagretiro ang BRP Cebu sa isinagawang decommission ceremony sa pantalan ng Captain Salvo sa Naval base sa Cavite ng Philippine Navy.

Umabot ng 71 taon ang serbisyo ng warship na ito sa tropa ng navy na nagpapatrolya sa karagatan ng bansa.

Ang BRP Cebu ay patrol ship ng Philippine Navy na daring USS Warship ng US Navy noong World War 2.

Inilipat ito sa Philippine Navy noong 1948 at tinawag na RPS Cebu.

Isa sa pinakamalaking accomplishment ng BRP Cebu ang pagsasagawa ng search and rescue operation sa mga pasahero ng lumubog ang barkong M/V Princess of the Stars ng Sulpicio Lines noong 2008 habang nanalasa ang bagyong Frank sa karagatang sakop ng Romblon.

Sa isinagawang decommissioning ceremony na pinangunahan ng commander ng Philippine Fleet na si Rear Admiral Giovanni Carlo Bacordo, nagpahayag ito ng kalungkutan sa pgreretiro ng BRP Cebu.

Ngunit, masaya rin siya sa kabilang banda dahil magbibigay daan naman ito sa pagpasok ng bagong assets sa Philippine Navy bilang bahagi ng kanilang patuloy na modernisasyon.

141

Related posts

Leave a Comment