Pinasok ng COVID patient PAG-IBIG OFFICE, NAKA-LOCKDOWN

LAGUNA – Nagsasagawa ng contact tracing sa isang tanggapan ng gobyerno matapos pumasok dito ang naka-home quarantine na isang COVID-19 positive sa Calamba City.

Sinundo ng mga kinatawan ng Public Order and Safety Office ng naturang lungsod ang babaeng hindi pinangalanan na nakatira sa Brgy. Palo Alto.

Katuwiran ng pasyente, nagtungo siya sa PAG-IBIG office para bayaran ang monthly amortization ng kanilang bahay upang hindi ma-penalty.

Paliwanag naman ng hepe ng POSO na si Jeffrey Rodriguez, nalagay sa peligro ang lahat ng mga taong nasa loob ng tanggapan at maaari itong masampahan ng kaso dahil sa paglabag sa safety and health protocols.

Agad na humingi ng tawad ang babae at nakiusap na babalik na lamang siya sa home quarantine ngunit hindi pumayag ang hepe dahil sa maaaring lumabas itong muli.

Dinala na sa isolation facility ang babae habang nagsasagawa na ng contact tracing at disinfection ang naturang tanggapan. (CYRILL QUILO)

99

Related posts

Leave a Comment