Pinatitiyak ng solon ZERO SIDE EFFECTS SA BAKUNA NG SENIORS

IGINIIT ng kinatawan ng senior citizens sa mababang kapulungan ng Kongreso na bumili ang gobyerno ng bakuna para sa matatanda na mataas ang efficacy rate at walang side effects.

Pahayag ito ni Senior Citizen party-list Rep. Rodolfo Ordanes sa gitna ng anunsyo ng Malacanang na bibili ang mga ito ng bakuna na gawa sa China tulad ng Sinovac at Sinopharm.

“I appeal to the IATF and local officials to please give the seniors the best vaccines available based on high efficacy and high safety,” ayon sa mambabatas lalo na’t maraming karamdaman ang matatanda.

Base sa mga report, ang Sinovac umaabot lamang sa 50.4% ang efficacy rate at wala pang report kung anu-ano ang side effect nito kaya maraming Pilipino ang ayaw sa bakunang ito.

Ipinost din ng tanggapan ni Ordanes ang isang artikulo mula sa Taiwan na nagsasabing ang Sinopharm ang “most unsafe vaccines” dahil mayroon umano itong 73 side effects at 79.34% lang ang efficacy rate nito.

Taliwas ito sa ibang bakuna na gawa sa ibang bansa na umaabot sa 95% ang efficacy rate at halos walang side effect bukod sa mura ang mga ito kumpara sa mga gawang China.

“Mabuti naman na maraming klase ng bakuna na magiging available at ang iba pa nga inaasahan darating na sa Pebrero at Marso,” ani Ordanes.

Umapela rin ang mambabatas sa mga Local Government Unit (LGU) na unahin sa kanilang babakunahan ang matatanda bukod sa mga health worker. (BERNARD TAGUINOD)

95

Related posts

Leave a Comment