MATAGUMPAY na naisagawa ng mga Overseas Filipino Workers ang bowling competition sa Milan, Italy sa pangunguna ng FBAOM Playup Milano na Fraternal order of Eagles Club at Proudly Pinoy Milan.
Ginanap nitong Abril 3, layon ng organizers na makadiskubre ng future national bowlers at palawigin ang sport sa mga kabataang isinilang at lumaki sa Italy.
Kabuuang 72 bowling enthusiasts – 32 babae at 40 lalaki – ang nagpartisipa sa competition kung saan tinanghal na Bowling King si Dennis Labasan Aceres at Bowling Queen si Flor Alfarez.
Kabilang sa mga runners-up sa men’s category sina Juven Hernandez, Raffy Torres, Jonathan Yongkol, Clyton Hernandez, Ryan Abarca Susi, George Gardiola at si Eduard Rodil.
Napunta ang Best Striker award kay Hernandez; Best in Spare, Eddie Reyes; Senza Buchi, Rodil; Highest Scratched Game, Rodil; at 3 Strikes in last 10th frame, Alex del Mundo.
Sa women’ s category ay runners-up sina Lory Peñaverde, Laarni Dimaano, Loida Garcia-Mendoza, Jen B. Mojica, Nieva Rodil, Susan Ramos at Allyn Fesariton.
Ipinagkaloob ang Best Striker kay Garcia-Mendoza; Best in Spare, Ruby Pacia, Senza buchi kay Agnes Sano; Highest Scratched Game, Alfarez; at 3 Strikes in last 10th frame, Garcia-Mendoza. (ANN ENCARNACION)
160