PNP, ALL-OUT SA TRANSPORT STRIKE

NAGDEKLARA ng full alert ang Philippine National Police (PNP) kaugnay ng ikakasang nationwide transport strike ngayong Huwebes, Marso 19.

Ayon kay PNP chief Jose Melencio Nartatez Jr., paiigtingin ang presensya ng pulis sa urban areas upang matiyak ang kaayusan.

Nanawagan din siya sa mga organizer, kabilang ang PISTON, na disiplinahin ang kanilang mga miyembro upang maiwasan ang tensyon.

Kasabay nito, handa ang gobyerno na magpatupad ng Libreng Sakay Program para tulungan ang mga commuter na maaapektuhan.

(TOTO NABAJA)

105

Related posts

Leave a Comment