NAGLAYAG na ang Naval Task Group 84 ng Philippine Navy sakay ng BRP Miguel Malvar (FFG-06) para lumahok sa Rim of the Pacific (RIMPAC) Exercise 2026 sa Hawaii matapos ang send-off ceremony sa Naval Operating Base sa Subic. Personal na pinangunahan ni Navy Flag Officer In Command, Vice Admiral Jose Ma Ambrosio Q Ezpeleta PN, ang send-off ceremony kasama ang mga miyembro ng contingent at iba pang panauhin. Ayon kay Ezpeleta, ang RIMPAC ang pinakamalaking international maritime warfare exercise sa buong mundo na isinasagawa kada even-numbered year. Sa kauna-unahang pagkakataon,…
Read MoreDay: June 5, 2026
RESORT MANAGER SA CEBU TIMBOG SA ILEGAL NA PAG-AALAGA NG ENDANGERED ANIMALS
KALABOSO ang isang babaeng resort manager matapos makumpiskahan ng mga endangered at exotic animals na walang kaukulang permit sa Cebu. Sa ulat, sinalakay ng mga operatiba ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) katuwang ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) Region 7 ang isang resort sa Barangay Kawit, Medellin, Cebu. Sa isinagawang operasyon, narekober ang apat na African Spurred Tortoise, anim na parrots, isang Black Palm Cockatoo, at dalawang Macaws. Ayon sa mga awtoridad, walang maipakitang kaukulang permit mula sa DENR para sa pag-aalaga at pag-iingat…
Read MoreBANGKAY NG LALAKI, NAKAHANDUSAY SA GILID NG KALSADA SA CAVITE
ISANG hindi pa nakikilalang lalaki ang natagpuang patay at nakahandusay sa gilid ng kalsada sa General Trias City, Cavite nitong Huwebes ng umaga. Natagpuan ang bangkay sa kahabaan ng Sitio Kumba Road, Barangay Alingaro, General Trias City bandang alas-7:03 ng umaga. Ayon sa paunang imbestigasyon, natatakpan ng sako ang mukha ng biktima nang matagpuan ito ng isang residente na dumaan sa lugar. Napansin din umano ng nakasaksi ang mga bakas ng dugo sa kalsada malapit sa pinangyarihan. Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang pagkakakilanlan ang biktima habang nagpapatuloy ang imbestigasyon…
Read MoreCALINISAN TINANGKANG SUHULAN NG KAMPO NI ATONG ANG SA ISYU NG MISSING SABUNGEROS?
ITINANGGI ni National Police Commission (NAPOLCOM) Commissioner Rafael Vicente Calinisan na may balak siyang tumakbo sa 2028 national elections at sinabing wala rin siyang layuning magpasikat sa media. Ito ang kanyang pahayag kaugnay ng naging mainitang pagtatalo nila ni Police Corporal Simeon Suan, ang pulis na sangkot sa viral na insidente sa Taguig City kung saan isang senior citizen ang puwersahang inaresto. Sa press conference sa Kapihan ng Samahang Plaridel, sinabi ni Calinisan na wala siyang ibang agenda kundi gampanan ang kanyang tungkulin bilang opisyal ng gobyerno. Nilinaw rin niya…
Read MoreTAYAM, KINUWESTIYON SA SC ANG SENATE LEADERSHIP ROW
KINUWESTIYON kahapon sa Korte Suprema ng isang high school teacher ang legalidad ng quorum sa sesyon ng Senado noong Hunyo 3, 2026 kung saan idineklarang bakante ang lahat ng posisyon at naghalal ng bagong liderato. Ayon kay Barry Tayam, naghain siya ng petisyon upang malinawan ang publiko sa gitna ng magkakaibang pananaw ng mga legal expert at matinding diskusyon sa social media hinggil sa nangyaring pagbabago sa liderato ng Senado. “Kasi nagkakagulo eh, pati ang mga tao sa social media, pati ang iba’t ibang legal experts. Nagkakagulo sila. So, at…
Read MoreKAWANI NG SENADO, PUBLIKO HINIKAYAT NI CAYETANO NA PUMANIG SA ‘TAMANG BATAS’
“SINO ang legitimately elected Senate President? Nasa harap niyo. Pero ayokong daanin sa loyalty sa tao, kundi loyalty sa institution.” Muling iginiit ni Senate President Alan Peter Cayetano nitong Huwebes ang kanyang awtoridad bilang lehitimong pinuno ng Senado, kasabay ang panawagan sa mga kawani ng Senado na manindigan para sa Senate Rules, sa katotohanan, at sa institusyong kanilang pinaglilingkuran. “You may not like me, but you know in your heart I am telling you the truth,” pahayag ni Cayetano sa press conference pagkatapos ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee…
Read MorePUBLIKO HINIMOK BANTAYAN IMBESTIGASYON SA FLOOD CONTROL
HINIMOK ni Senate President Alan Peter Cayetano ang publiko na bantayang mabuti ang imbestigasyon ng Senado sa umano’y mga anomalya sa flood control projects upang matiyak na hindi ito mauwi sa selective justice at paghahanap lamang ng mga masisisi. Sa panayam matapos ang pagdinig ng Blue Ribbon Committee nitong June 4, sinabi ni Cayetano na mahalagang mabantayan ng taumbayan ang takbo ng imbestigasyon upang manatiling patas at kapani-paniwala ang proseso. “Kaya nga ang sinasabi ko sa inyo: Bantayan ninyo nang husto ang Blue Ribbon Committee hearings kasi imbes na maging…
Read MoreInsurgency-free status ng Upi hugot sa suporta ng Marcos admin at Japan-UNDP
BARMM — Pormal nang idineklara bilang insurgency-free ang bayan ng Upi sa Maguindanao del Norte matapos nitong makamit ang Stable Internal Peace and Security (SIPS) status, isang mahalagang tagumpay na iniuugnay ng mga lokal na lider sa matagal na pagtutulungan ng pambansang pamahalaan, mga pwersang panseguridad, mga komunidad, at mga international development partner. Itinuturing ang deklarasyon ng Upi bilang insurgency-free na isang mahalagang tagumpay sa normalization track ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) na nagpapakita ng patuloy na pag-usad ng mga hakbang tungo sa pangmatagalang kapayapaan at katatagan sa…
Read More