SINUSPINDE ng United Nationalist Alliance (UNA) ang anomang usapan kaugnay sa Elections 2022, kabilang na ang mga posibleng pakikipag-alyansa.
Ayon kay UNA President at Senador Nancy Binay, ang kanilang desisyon ay batay sa patuloy na COVID-19 pandemic at bunsod ng panibagong variant ng sakit na patuloy na tumataas ang mga kaso.
“Amid the atmosphere of ‘Elections 2022’, UNA finds it cold and insensitive to put on the table any electoral agenda while our people are experiencing uncertainties in the wake of the growing Delta variant cases in country,” saad ni Binay.
Iginiit ng senador na dahil sa pulitika lalong nagkakaproblema ang public health issue at napipigilan ang tuloy-tuloy na pag-arangkada ng COVID response.
“This is why UNA would rather put a high premium in ensuring the health and safety of the people than concern itself with 2022,” dagdag ni Binay.
“For this reason, UNA has decided to suspend all talks in connection with the 2022 National Elections until further notice so that the Party can help and focus well in fighting the pandemic,” diin pa ng senadora. (DANG SAMSON-GARCIA)
