PONDO PARA SA BAKUNA SA TEENAGERS, ISAMA SA 2022 BUDGET

IGINIIT ng mga senador na bigyang prayoridad sa sa 2022 National Budget ang procurement ng bakuna para sa kabataan.

Sinabi ni Senate Finance Committee Chairman Juan Edgardo ‘Sonny’ Angara, kailangang maisama na ang mga bata sa pagbabakuna.

“I think ang original idea sa budget is adults lang although dapat isama na mga bata especially given the new variants tulad ng delta. baka pwedeng pag-aralan ang supplemental budget or i-prioritise ito sa 2022 budget,” pahayag ni Angara.

Sinabi naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na hindi na kailangan ng special budget para sa bakuna sa teenagers at dapat na lang gawin ay maayos na pamamahala ng vaccine program.

Idinagdag ni Drilon na maaari ring mag-realign ng pondo mula sa mga hindi nagastos na budget sa 2020 at 2021 General Appropriation Act.

“The Department of Finance must do a cash sweep as it did last year. For example, the Commission On Audit found that there is about P11 billion lying idle in Philippine International Trading Corporation as of Dec 31, 2021, up from P9.1B in December 2019. Why is PP11B parked in PITC so sacred?” diin ni Drilon.

Sinabi naman ni Senador Panfilo Lacson na dapat isama na sa National Expenditure Program ng executive department ang pondo para sa bakuna sa kabataan.

“Vaccines for minors are not yet included in the budget. DOH is requesting Congress for additional P25B but only for 12-15 year-olds. 16-17 are not yet covered. Instead of a supplemental budget, the NEP can already include the additional funding requirements in case they can implement it in 2022,” diin ni Lacson.

Naniniwala naman si Senador Ralph Recto na may sapat pang pondo para pambili ng bakuna dahil karamihan ng ginagamit na vaccines ay mula sa donasyon.

Subalit inamin ni Recto na kailangang sa susunod na taon ay magkaroon na rin ng hiwalay na pondo para sa bakuna.

Iginiit din ni Recto na dapat tiyakin ng gobyerno na ang mga bibilhing bakuna ay mga epektibo at huwag masyadong umasa sa Sinovac.

“We should procure more effective vaccines and not rely on sinovac for most of our vaccines. There are reports that sinovac is less effective against delta variants etc. My advice is to do risk management in vaccine procurement,” diin ni Recto. (DANG SAMSON-GARCIA)

166

Related posts

Leave a Comment