PRAYER BREAKS SA MUSLIM EMPLOYEES ITINULAK NI CONG. TULFO

NAIS ni ACT-CIS Representative Erwin Tulfo na bigyan ang Muslim employees ng prayer breaks sa kanilang mga pinagtatrabahuhan.

Ayon sa senatorial candidate, “sa Islam ay limang beses kailangan magdasal ang mga kapatid nating Muslim sa isang araw”.

“Dalawa rito ay mahahagip sa oras ng paggawa tulad ng ‘Dhuhr’ na isinasagawa bandang tanghali na pag-alala kay Allah at paghingi ng direksyon sa kanya, habang ang ‘Asr’ ay bandang hapon naman bilang pag-alala pa rin kay Allah at pagmumuni sa kanilang buhay kung ito ba ay naaayon pa rin sa kagustuhan ni Allah,” aniya.

Binigyang-pansin ng mambabatas na kadalasan ay nahihiyang magpaalam ang mga kapatid nating Muslim sa employer o boss nila lalo pa kung iba ang relihiyon ng mga ito.

Dahil dito, maghahain ng isang panukalang batas si Tulfo pagbukas muli ng Kongreso sa Hunyo para mabigyan ng dalawang prayer breaks ang Muslim workers sa kanilang trabaho mapa-pribado man o gobyerno, sa loob ng walong oras na paggawa.

Laman din ng panukalang batas na bigyan ng isang prayer room o espasyo man lang para makapagsamba ang Muslim employees ng kumpanya o ahensiya.

Ani Tulfo, ito ang kahilingan ng ilan niyang mga kaibigang Muslim–na magkaroon ng batas para makapagsamba sa oras ng paggawa. May ilang kumpanya o ahensiya ng gobyerno na ang nagpapahintulot ng prayer breaks sa kanilang Muslim workers partikular na sa Muslim Mindanao provinces.

25

Related posts

Leave a Comment