(NI DONDON DINOY)
DAVAO CITY—Nakapagtala ang Department of Health (DOH)-XI ng 1,069 kaso ng tigdas kung saan 65 porsiyento ang galing sa mga hindi nagpabakuna.
Ayon kay DOH national immunization program officer Janis Olavides nitong Biyernes, Hulyo 18, wala pa ring dapat ikabahala at hindi na kailangang magdeklara ng “measles outbreak” dahil bumaba pa umano ito ng 13 porsiyento sa kumpara sa nakaraang taon.
Naipakita din sa kasalukuyang datos na ang lunsod ng Davao ay may 444 na kumpirmadong kaso.
Base sa rekord nitong taon, naipakita din ang pagbaba ng death cases sa 14, kumpara sa mga nakaraang taon na umabot sa 33 sa katulad na panahon.
Sinabi ni Olavides na kasali sa mga measles hotspots ng lunsod angmga lugar sa Talomo Central, Talomo North, Buhangin, at Agdao districts.
“But despite the number, there is no reason to declare a measles outbreaks because it wasn’t able to surpass last year’s figure wherein the city declared a measles outbreak,” aniya sa isinagawang iSpeak media forum sa City Hall of Davao.
Dagdag nito na ang DOH at City Health Office (CHO) ay may pinaiigting na vaccination campaign, kung saan kasali na ang mga pampublikong paaralan.
Ngunit iginiit nito walang “trend” sa mga kaso ng tigdas.
“For as long as there is intensified vaccination, then we will be able to end the transmission of the virus,” ani Olavides.
191