SUMAILALIM sa pagsasanay ang 115 engineering graduates na napili ng San Miguel Corporation mula sa iba’t ibang unibersidad sa bansa para sa commercial operations ng Mass Rail Transit (MRT-7) project sa 2025.
“MRT-7 promises to be a game-changer for the Philippine transportation landscape, and we are confident our young professionals will set new benchmarks in efficiency, safety, and service excellence,”wika ni SMC President and CEO Ramon S. Ang.
Ang mga bagong graduate na nagmula sa Polytechnic University of the Philippines’s (PUP) Railway Engineering Program ay nagsimula na ng training habang 40 cadets naman sa nag-top sa evaluation tests ang pinadala sa South Korea sa ilalim ng national railway operator na Korail, na partner ng SMC’s partner sa MRT-7 project.
“Investing in the growth, development and well-being of young local talents is part of our commitment to nation-building and ensuring our country’s long-term success and prosperity. We want to be able to provide them with the tools they need to enhance their competencies, prepare them for when the MRT-7 starts operating and eventually make meaningful contributions to the wider community. I am confident they will not only shine but also redefine standards,” wika ni Ang.
Lampas sa 500 aplikante ang sumailalim sa panel interviews at screening para sa programa. Kasama rito ang aptitude test para sa train operators at traffic controllers. Ang 115 na kandidato na nakapasa ay nagsimula ng pagsasanay noong Marso.
(ELOISA SILVERIO)
177