DALAGA SINAKAL NG AMA

CAVITE – Arestado ang isang lalaki makaraang ireklamo ng pananakal sa kanyang anak na babae sa Carmona City noong Linggo ng gabi.

Nagpapagaling ngayon sa Pagamutan ng Dasmariñas ang biktimang si Sairine Montilla, 24, estudyante, ng Brgy. Milagrosa, Carmona, Cavite matapos sakalin ng sariling ama na si Rizaldy Montilla, 44, ng nasabi ring lugar.

Ayon sa ulat, masayang nagkukuwentuhan ang biktima at lola nito nang dumating ang lasing na suspek sa kanilang bahay dakong alas-10:00 gabi at sila ay sinigawan.

Pagkaraan ay kinaladkad umano nito ang biktima saka sinakal hanggang sa mawalan ng malay at nagdugo ang tainga.

Agad isinugod ang biktima sa ospital habang inaresto ng mga awtoridad ang ama na nahaharap sa kasong frustrated parricide.

(SIGFRED ADUARA)

140

Related posts

Leave a Comment