2 PANG POLICE CHIEF SIBAK SA SUGALAN

DALAWA pang hepe sa Calabarzon PNP ang sinibak sa  kanilang mga  pwesto dahil sa ‘one strike policy’ ng PNP sa mga hepe na tinutulugan ang illegal gambling sa kanilang ‘area of responsibility’.

Nitong Sabado, ipinag-utos din ni CALABARZON Regional Director, P/BGen. Vicente   Danao ang pagsibak kina P/Lt. Col. Rosell   Encarnacion ng San Juan PNP, at Lian, Batangas Station chief, P/Maj. Domingo Ballesteros.

Ito ay matapos makarating sa tanggapan ni Danao na wala pa ring humpay ang mga illegal gambling sa dalawang bayan.

Noong Biyernes, una nang sinibak ni Danao ang hepe ng San Pablo City police na  si P/Lt. Col. Eliseo Bernales matapos magsagawa ng pagsalakay ang mga tauhan ng Laguna PIB sa naturang lungsod at nakakumpiska ng anim na video karera machine.

“Ang direktiba mula sa national headquarters ay magsagawa ng nationwide intensified crackdown laban sa anumang uri ng illegal gambling subalit dito sa mga nasabing lugar ay talamak pa rin ang mga sugalan,” ayon kay Danao.

“Ako ay patuloy na naninidigan sa aking order na ‘One Strike Policy’ sa mga unit commander sa buong rehiyon laban sa mga ilegal na sugal at operasyon sa pagsusugal, sure, siguradong may kalalagyan kayo, kapag nahuli ko kayong walang ginagawang aksyon laban sa ilegal na sugal,” ayon pa kay Danao habang nagbibigay ng babala sa lahat ng chiefs of police. (NILOU DEL CARMEN)

 

318

Related posts

Leave a Comment