2 RETIRADONG PARAK PATAY SA AMBUSH

TALISAY CITY, Cebu –  Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang dalawang  retiradong pulis ng hindi ikilalang suspek sa Barangay Tabunoc, nitong Linggo ng gabi.

Ayon sa report, Lilian ng motorsiklo sina Edgar Causon at Ferdinand Navales, parehong galing sa kapihan, nang sila ay pagbabarilin sa Bacalso Avenue.

Ayon kay Chief Insp. Ardy Cabagnot, deputy chief ng Talisay police, unang binaril si Causon na posibleng target ng suspek. Bumunot aniya ng baril si Navales kaya pinaputukan din siya.

Lumitaw na dating nakatalaga  sa region 7 ang dalawang biktima na nagretiro noong 2017. Si Causon ay huling nadestino sa Pardo Police Station sa Cebu City at si Navales ay sa provincial intelligence branch.

Ngunit bago sa kanilang huling mga posisyon, nagkasama umano sila sa Talisay City PNP bilang mga imbestigador. Hinala ni Cabagnot, personal ang posibleng motibo sa insidente.

Tinitingnan ng pulisya ang CCTV sa isang supermaket na malapit sa pinangyarihan ng pamamaril upang matukoy ang suspek.

5

Related posts

Leave a Comment