KOTSE NAG-DIVE SA DAGAT, DRIVER PATAY

SAMAL, Davao del Norte — Hindi na nakaligtas ang isang lalaki at tuluyan na itong binawian ng buhay makaraan mahulog ang minamaneho niyang sasakyan sa dagat sa distrito ng Babak, nitong Linggo ng gabi.

Paakyat sana ng barge ang Innova na minamaneho ni Fernando Pacaldo ngunit dumiretso ito sa dagat at nabangga pa ang isang taong paakyat ng barko bago ito tumilapon.

Nakuha mula sa lumubog na sasakyan si Pacaldo at isinugod sa ospital ngunit idineklarang ding dead on arrival habang nakaligtas ang isang lalaking nabangga niya.

“Medyo mahirap na rin ang pag-rescue dahil malakas ang current. Mga 100 meters away sa Innova siya nakuha,” ani Capt. Roy Echevierra, komander ng Coast Guard sa Southeastern Mindanao.

Aminado naman ng mga kaanak na dumalo sa binyagan si Pacaldo at bahagyang nakainom bago nangyari ang insidente na nagdulot nang pagka-stranded ng mga pasahero.

12

Related posts

Leave a Comment