3 ARESTADO SA BASURA SA CAVITE

CAVITE – Inaresto ng mga tauhan ng Cavite Police sa bayan ng Tanza, ang driver at mga helper ng isang dump truck na puno ng basura dahil walang kaukulang dokumento.

Kinilala ang mga inaresto na sina Victor Yurado, driver, 29, at mga helper nitong sina Nelson Galit, 36, at Ricardo Corre, 39, nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 48, Parag. 13 (Ecological Waste Management Act) na isinampa ng Tanza Municipal Environmental and Natural Resources Office (MENRO).

Sa ulat ni P/SSgt. Jonathan Lagaro ng Tanza Municipal Police, dakong alas-7:00 noong Lunes ng gabi nang parahin nila ang isang truck (XHY-225) na minamaneho ni Yurado, dahil sa walang takip ang karga nitong mga basura.

At nang hingian ang driver ng dokumento para sa pagtatapon ng basura ay walang naipakita dahilan upang arestuhin ito kasama ang dalawang helper. (SIGFRED ADSUARA)

80

Related posts

Leave a Comment