(NI RENE CRISOSTOMO)
TATLONG bayan sa lalawigan ng Romblon ang apektado ng oil spill matapos kumpirmahin ng Philippine Coast Guard (PCG).
Batay sa ulat ng PCG headquarters sa Manila na ipinadala ng PCG-Marine Environmental Protection Unit, kabilang sa mga apektadong bayan ang Odiongan, San Andres, at Ferro, pawang nasa Tablas Island, Romblon.
Nakumpirma ang oil spill matapos mag inspeksiyon ang nabanggit na unit ng PCG.
Nabatid sa Environmental Management Bureau ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na kulay itim na substance ang nakita malapit sa baybayin dagat ng Barangay Agpudlos sa bayan ng San Andres.
Sa nakalap na impormasyon ng PCG sa mga residente ng naturang barangay, nakakita unano sila ng lumulutang na debris ng langis may pitong araw na ang nakalilipas pero wala naman silang namataan na barko na naaksidente para maging sanhi ng oil spill.
Ayon kay PCG Spokesperson Armand Balilo, ang insidente ay huli na nang i-report ng mga lokal na residente sa lugar.
Nabatid pa na posible umanong mga langis ang nag leak mula sa isang malaking vessel o kaya ay oil tanker na dumaan sa Tablas Strait.
Humingi na rin ng assistance ang PCG sa local government unit para sa isasagawang coastal clean-up.
“Immediately, after scouring the area of incident, personnel of CGSS Odiongan made coordination with the Brgy officials of Agpudlos, San Andres, Romblon to conduct clean up drive and subsequently, advised the local residents/fisherfolks to be aware of the oil spill and report to PCG as soon as possible if the said incident happened again,” ayon kay Balilo .
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng PCG sa insidente.
128