(NI JESSE KABEL)
NIYANIG ng tatlong pagsabog ang medical mission na inilunsad Sabado ng umaga ng 11th Infantry Division ng Philippine Army sa Tanum Elementary School sa Patikul , Sulu.
Bagama’t walang nasaktan ay nagkagulo naman at binalot ng sindak ang mga residente sa malapit sa pinagdarausan ng medical mission.
Bunsod ng tatlong sunud-sunod na pagsabog ay nagtakbuhan ang mga nahintakutang residente bago magtanghali habang ginaganap ang medical mission, pahayag pa ng Western Mindanao Command (Wesmincom).
Ayon kay Wesmincom spokesperson Col. Gerry Besana tatlong 60 mm mortar rounds ang sumabog may 200 meters mula sa Tanum Elementary School kung saan ginagawa ang medical mission ng 6th Special Forces Battalion.
369