(NI KIKO CUETO)
LIMA na ang kumpirmadong patay kasunod ng magnitude 6.3 na lindol na tumama sa bayan ng Tulunan, North Cotabato at kalapit na lugar Miyerkules ng gabi.
Sa report, sinabi ng pulis na kabilang sa namatay ang 7-taong gulang na bata na nadaganan ng gumibang pader sa Tulunan.
Namatay din ang 2-taong gulang na bata sa Davao del Sur, na nabagsakan ng mga bagay habang natutulog.
Kinilala ang biktima na si Cristine Roda.
Natabunan naman ng landslide ang bahay sa Barangay Malawanit, Magsaysay.
Nailigtas ang isang lalaki at dalawa niyang anak. Pero namatay ang nanay.
Aabot naman sa 60 tao ang sugatan sa Tulunan, North Cotabato, at sa Magsaysay at Digos sa Davao del Sur.
Sa Kidapawan City, North Cotabato, na nakaramdam ng ng intensity 7 sa lindol, inilabas ang mga pasyente mula sa Midway Hospital nang hinihinalang may naging sira sa ospital.
Sa labas o sa outdoor tennis court nagpalipas ng gabi ang mga pasyente habang mabilis na sinusuri ang integridad ng gusali.
Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) director Renato Solidum, maituturing na “moderately strong” ang lindol.
Sinasabing tectonic quake ang lindol at naitala ng 7:37 p.m. ng gabi 22 kilometero southeast ng Tulunan at may lalim na 15 km.
Nakapagtala ang Phivolcs, 246 na aftershocks kanilang naitala.
Sinabi naman ng Department of Energy (DOE) na ang lindol ay naka-apekto sa Mount Apo geothermal power plant, na dahilan ng blackout sa ilang bahagi ng South Cotabato, North Cotabato at sa buong siyudad ng of Kidapawan.
Bukod sa Kidapawan, North Cotabato, South Cotabato, at Davao del Sur, naramdaman din ang lindol sa Sarangani province, Davao City, General Santos City, Sultan Kudarat, Maguindanao at Compostela Valley.
Napag-alaman din na may isang babae na nakunan kasunod ng mga afetrshocks dahil sa lindol.
“More than 200 aftershocks na iyong naramdaman natin,” sinabi ni Psalmer Bernalte, pinuno ng the disaster office sa Kidapawan.
“Iyong isang buntis, nag-miscarriage… Nalaglag lang iyong kaniyang baby dahil na-shock [noong] nagkaroon ng lindol,” dagdag nito sa panayam sa DZMM.
156