5 POLICE OFFICIAL PATONG SA DRUGS IPINASISIBAK

du30

LIMANG opisyal ng Bacolod City Police Office, kabila ang ilang lokal na opisyal sa siyudad,  ang ipinasisibak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Police Regional Office (PRO)-6 director C/Supt. John Bulalacao.

Mismong ang Pangulo ang nagbunyag kina S/Supt. Francisco Ebreo, officer-in-charge city director ng BCPO; Deputy for Operations na si P/Supt. Allan Macapagal; P/Supt. Richie Yatar; P/Supt. Nassrudin Tayuan, dating team leader ng Bacolod City Drugs Enforcement Unit at nakabase na ngayon sa Mindanao; at si S/Insp. Victor Paulino, dating hepe ng Police Station 3, na umano’y nasa likod ng malalaking sindikato ng droga.

Sa okasyong dinaluhan ng Pangulo ay nagkataon na naroroon din si Ebreo at Macapagal kung saan inimbitahan ang mga ito na magtungo sa Malacanang bukas, ng alas-2 ng hapon.

Kasama ring kinilala ng Pangulo si Councilor Ricardo ‘Cano’ Tan, na inambus noong December ngunit nakaligtas.

Nangako ang Pangulo na ibubunyag pa niya ang ilang opisyal sa Negros Occidental na umano’y protektor sa illegal na droga.

158

Related posts

Leave a Comment