(NI BONG PAULO)
NORTH COTABATO – Abot sa 582 na mga pulis ang ipakakalat sa plebesito ng Bangsamoro Organic Law o BOL sa pitong mga munisipyo sa lalawigan ng North Cotabato.
Ayon kay Regional Director P/Chief Supt Eliseo Tam Rasco simula pa Lunes ng umaga hanggang sa Pebrero-8 mananatili ang mga pulis para tiyakin ang seguridad sa plebesito.
Ang mga pulis ay mula sa iba’t ibang hanay ng PRO 12 Regional Headquarter (PCO-3, PNCO-117), Regional Mobile Force Battalion (RMFB at ng PCO-6, PNCO-114), City/Provincial Mobile Force Company (PCO-6, PNCO-114), alert company (PCO-3, PNCO-117), EOD (2).
Sa nasabing bilang, 100 dito ay sinanay maging Board of Election Inspectors (PNCO-100).
Samantala sa isang send-off rites, pinasalamatan ni Comelec 12 Regional Director Chairman Sheriff Abas ang mga pulis sa Rehiyon 12 sa maayos at mapayapang plebesito sa Cotabato City noong Enero-21.
Ayon kay Abas, kabilang sa mga lugar na lalahok sa plebesito ay ang mga bayan ng Aleosan, Carmen, Kabacan, Midsayap, Pikit, Pigcawayan at Tulunan lahat sa probinsiya sa North Cotabato.
“Tunay nga na ang iyong tulad at tulong sa halalan ay hindi matatawaran. Ang mandato ng Comelec na maisuguro ang isang malaya, maayos, tapat, at mapayapang halalan ay nakasalalay sa pagkakaisa at pagtulong-tulong ng lahat ng kinaukulan,” pahayag ng Comelec Chairman.
“The Comelec is confident that the plebiscite that will be held on February 6 with its affiliates from the PNP and the AFP, will be safe and successful,”dagdag pa ni Abas.
165