53 NI-RESCUE NG PHIL NAVY SA NASIRANG LANTSA

phil navy rescue12

(NI JESSE KABEL)

LABING ISANG tripulante at 42 pasahero ang nailigtas ng mga kagawad ng Philippine Navy habang nagpapalutang-lutang lulan ng isang lantsa sa karagatang sakop ng Tawi – Tawi

Sa ulat ng PN, nirespondehan ng Naval Task Group Tawi-Tawi, sa ilalim ng Joint Task Force Tawi-Tawi ng Western Mindanao Command,  ang distress call  hinggil sa 53 crew at pasahero ng isang  Motor Launch (M/L) boat nitong Martes.

Ayon sa Philippine Navy matapos makatanggap ng distress call ang Western Mindanao Command ay agad din nagsagawa ng rescue operation ang isang Multi-Purpose Attack Craft (MPAC) ng Navy.

Ang  motor launch boat ay nakarehistro bilang M/L YASDA II at bago ang rescue operation ay inatasan ng Commander Naval Task Group Tawi-Tawi ang isang PN vessel na magsagawa maritime patrol operations at magkaloob ng tulong /rescue operations sa  M/L YASDA II.

Nasira ang engine transmission ng lantsa nagpalutang lutang na lamang ito sa bisinidad ng  South East ng  Bongao, Tawi-Tawi.

269

Related posts

Leave a Comment