58 TIMBOG SA OPLAN RODY

BULACAN – Arestado ang 58 katao  matapos  ang serye ng operasyon ng pulisya bilang bahagi ng “Oplan Rody” mula sa nakalipas na magdamag sa lalawigan.

Sa report mula sa tanggapan ni Provincial Director Sr. Supt. Chito Bersaluna, lumitaw na sa kabuuang bilang ng naaresto, 14 dito na pawang menor de edad ang nahuli matapos na lumabag sa curfew.

Habang 24 naman ang  inimbitahan ng PNP matapos na mahuling nag inuman sa  mga bawal na lugar  na kung saan 13 dito ay walang saplot pang itaas.

Tatlo ang lumabag sa smoking ban at apat naman ang lumabag sa iba pang ordinansa ng  siyudad  at bayan  ng Bulakan, Bustos, DRT, Pandi, Paombong, Obando, Meycauayan, Balagtas, San Miguel, Baliwag at Pulilan.

Agad rin namang pinauwi  ang 44 sa kanilang mga bahay matapos ang operasyon habang 12 ang inilagay sa kustodiya ng barangay  at dalawa ang  binigyan ng warning.

Dahil dito, muling pinaalalahanan ni Regional 3 Director Chief Supt. Amador Corpus ang publiko ukol sa mga ipinagbabawal na gawain tulad ng pagtatambay sa  dis oras ng gabi,  pakipag inuman sa kalyeng nakahubad  at iba pang paglabag sa batas.

29

Related posts

Leave a Comment