2 PUGANTENG KOREANO TIMBOG

Naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang puganteng Koreano na wanted sa kanilang lugar dahil sa kinasangkutan mga kasong cyber fraud activities.

Kinilala ni Commissioner Jaime Morente ang dalawang suspek na sina Jang Kilwan, 36, anyos at Lee Junhee, 28.

Sa report,  lumitaw na naaresto ang mga suspek noong Nobyembre  10 sa loob ng kanilang condominium unit sa Fairview, Quezon City ng mga operatiba ng BI, na pinangunahan ni Immigration Officer Edward Mabborang.

Ayon sa impormasyon na nakarating sa BI , ang  mga suspek ay tumakas sa kanilang lugar papuntang Pilipinas , upang magtago para maka-iwas sa pagkaaresto sa kanila ng Korea.

Nahuli ang dalawa sa pakikipagtulungan ng Korean Embassy dito sa Manila, na siyang nagturo sa kinaroroonan ng dalawang suspek.

Nakarating kay Morente  na  illegal na nago-operate ang mga  ito  ng private  internet sports gambling site kung saan kumikita umano ang mga ito ng halagang 200,000 US dollar sa kanilang illegal operations.

Modus operandi ng mga suspek ay hilingin sa kanilang mga parokyano na i-remit ang pera sa kanilang illegally borrowed bank account bago matuloy ang transaksiyon.

Nakatakda namang ipa-deport ang mga suspek kasabay na rin ng pagpapa-blacklist  sa mga ito.

14

Related posts

Leave a Comment