8 WANTED PERSONS NALAMBAT NG PNP BICOL

0

SA gitna ng pangamba dulot ng banta ng COVID-19 pandemic, ang PNP Bicol, sa pamumuno ni P/BGen. Jonnel C. Estomo, Regional Director, PRO5, ay mas pinaigting ang kampanya kontra kriminalidad upang matiyak ang seguridad ng bawat Bicolano.

Noong ika-12 ng Oktubre 2021, nagsagawa ng anim na operasyon ang PNP Bicol sa ilalim ng ‘campaign against wanted persons’ na nagresulta sa pagkakahuli sa walong indibidwal.

Sa probinsya ng Albay, timbog ang rank 7 city most wanted person ng Ligao City sa bisa ng warrant of arrest sa kasong qualified rape na inisyu ng RTC Branch 12, Ligao City. Kinilala ang suspek na si Romeo Pedragosa Mijares Jr., 52-anyos.

Sa isla ng Masbate, dalawa ang nadakip ng mga awtoridad sa bisa ng warrant of arrest mula sa MTCC, Masbate City. Kinilala ang mga suspek na sina Jerome Montes y Malapaz, 27, at Ernie Montes y Manlapaz, 20, may kasong resistance and disobedience; paglabag sa RA 11332, at non appearance in court.

Dalawa naman ang magkasunod na inaresto sa Camarines Sur sa magkahiwalay na operasyon. Ang mga arestado ay sina Rommel Milla y Bagaporo, 31, may kasong paglabag sa RA 9165, at Sandy Egos y Bantog, inaresto sa kasong alarms and scandal.

Arestado rin ang 47-anyos na si Niña Veloso y Hosana, akusado sa kasong 2 counts ng estafa sa Daet, Camarines Norte.

Sa Sorsogon, timbog ang dalawang akusado sa kasong paglabag sa RA 8048 o Coconut Preservation Act of 1995 na inamiyendahan ng RA 10593, na kinilalang sina Francisco Correa y Gayta, 46, at Michael Escario y Escanilla, 25-anyos. (JESSE KABEL)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment