ABC PREXY KILLER HULI SA OSPITAL

cavite

MATAPOS barilin at mapatay si Barangay Captain Marlon Luancing sa loob ng Lipa City Games and Amusement Complex sa Lipa City Batangas, ay nakasalubong ni PO3 Ronald Villagas ang isa sa mga gunman ng biktima.

Nakipagpalitan ng putok ang suspect sa pulis at gayong tinamaan ang suspect ay nakatakas pa rin ito kasama ang tatlong iba pa.

Dahil dito, agad nagpalabas ng alarma ang Batangas Police Provincial Office sa mga karatig lalawigan para impormahan sa pasyenteng isinugod sa mga ospital sa gunshot wounds.

Bandang alas-3:00 ng madaling araw nang makatanggap ng tawag mula sa Silang Specialists Medical Center sa Silang, Cavite sa lalaking may tama ng bala sa katawan. Doon ay inabutan nina PC/Insp. Resty Soriano ang lalaking nagpakilalang tatay ng pasyente na si Vengie Cortez.

Sinabi nito na biktima ng mga holdaper ang kanyang anak ni Venrose Cortez ngunit ilang minuto lang ay dumating ang ilang witness sa krimen at positibo siyang itinuro na isa sa mga gunman ni Luancing.

Mahigpit na ngayong binabantayan ng pulisya ang suspect sa ospital habang gumugulong ang imbestigasyon sa insidente na ikinasugat rin ng tatlong iba pa na sina Keempee De Leon, Carmelo Malabanan at Edmundo Benero na mga tinamaan ng stray bullet
Sa ulo naman napuruhan ang ABC President kaya agad itong nasawi/

5

Related posts

Leave a Comment