ALERT LEVEL 1 ITINAAS SA MT. BULUSAN

mt bulusan12

NASA alert level 1 status ang Mt. Bulusan sa Sorsogon matapos makapagtala ng 16 na pagyanig, Linggo ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, bukod sa mga lindol ay mayroon ding pamamaga sa itaas na bahagi ng bulkan mula Abril 29 hanggang Mayo 5, at pagtaas sa water temperature sa monitored hot springs.

Pinapayuhan ng Phivolcs ang publiko na umiwas sa 4-kilometer radius permanent danger zone, gayundin sa extended danger zone ng Mt. Bulusan.

Pinaiiwas din ang mga piloto sa paglipad malapit sa tuktok ng bulkan.

 

70

Related posts

Leave a Comment