ANAKPAWIS OFFICER INAMBUS, PATAY

ANAKPAWIS INAMBUS

Tatlong bala ang tumama sa ulo ng isang coordinator ng Anakpawis party-list nang tambangan ito sa Santiago City, Agusan del Norte kamakailan.

Linos Cubol, Anakpawis party-list coordinator ng Agusan del Norte, ay malapitang pinagbabaril ng dalawang lalaki sa isang pagawaan ng furniture.

Agad bumulagta si Cubol.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek.

Iginiit ng misis ng biktima na wala silang alam na kaaway o banta sa buhay ng kanyang asawa.

Lingid sa kanyang kaalaman, kamakailan ay nagpa-blotter ang biktima laban sa limang tao na pinaratangan niyang nagnanakaw sa isang minahan sa kanilang lugar.

Bago maging Anakpawis party-list coordinator, si Cubol ay naging chairman ng Kilusang Mayo Uno (KMU) sa Agusan del Norte.

8

Related posts

Leave a Comment