BRGY. OFFICIAL BINARIL SA ULO, PATAY

BINARIL SA ULO.jpg

SAN FABIAN, Pangasinan – Namatay ang isang kagawad ang barilin ito sa ulo ng habang nagmamaneho ng kanyang tricycle sa bayang ito.

Hindi pa nakontento ang mga suspek, sunod-sunod na niratrat ang kanyang katawan hanggang matiyak na patay si Domingo Ramirez, 61, ng Brgy. Alacan, San Fabian.

Sa ulat ng pulisya, sakay si Ramirez sa kanyang trycicle sa Barangay Tococ patungong palengke nang sabayan siya ng mga suspek na nakasakay sa motorsiklo.

Habang tumtakbo ang kani-kanilang sasakyan, binaril sa ulo si Ramirez.

Bumagsak ang duguang katawan ng biktima.

Pagkatapos, pinagbabaril pa uli si Ramirez hanggang tuluyan itong mamatay.

Mabilis na tumakas ang mga salarin matapos ang krimen.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang krimen upang matukoy ang motibo at mga salarin.

9

Related posts

Leave a Comment